Bilang isang mamamayan ng papaunlad na bansa, malaking bahagdan ng mamamayan sa Pilipinas ang namumuhay sa kahirapan. Base sa aking karanasan, isa sa nagpapahirap ng ating kalagayan ang kawalan ng edukasyon. Malinaw na ang kawalan ng edukasyon ay isang malaking hadlang sa pag-angat ng kalagayan ng bawat isa sa atin sapagkat sa oras na wala kang diploma na maipakita, halos wala ring opurtunidad upang ang magpapakita sa iyo.
Sa ganitong sitwasyon, walang pagpipilian ang karamihan sa mga mamamayang namumuhay sa kahirapan kundi ang dumiskarte upang mabuhay. Ang edukasyon ay maituturing na karapatan ng bawat isa sa atin ngunit bakit marami sa atin ang hindi nakakatamo nito? Para sa akin, ito ay dahil sa sistema ng edukasyon na hindi naaabot ng lahat at hindi para sa lahat. Nakakalungkot isipin na ang pag-aaral ay tila nagiging pribilehiyo na at hindi karapatan na dapat nakakamtan ng lahat. Patunay rito ang mga komunidad na hanggang ngayon ay walang pampublikong paaralan, mga komunidad na hindi inaabot ng gobyerno upang bigyang ng serbisyo. Hindi madali ang amuhay nang walang sapat na edukasyon. Kita ko sa mata ng aking mga magulang kung paanong tinanggap na lang nila ang sistemang may saradong opurtunidad para sa mga hindi nakapagtapos ng pag-aaral. Hindi rin nating masisisi at hindi natiin maaaring husgahan ang mga taong pinili ang diskarte sapagkat sa aking palagay, kung mabibigyan sila ng pagkakataong makapili sa pagitan ng diploma o diskarte ay bukas palad nilang pipiliin ang makapag-aral sapagkat mas may katiyakan dito at maraming opurtunidad ang nag-aabang sa kanila.
Kung ako ang tatanungin, diploma ang pipiliin ko. Para sa akin, ang edukasyon ay hindi lamang isang piraso ng papel kundi isang susi sa mas maraming oportunidad, mas maayos at may katiyakan na kinabukasan. Sa kahit anong pagkakataon, pipiliin ko ang makapagtapos ng pag-aaral upang mawakasan ko ang doble kayod na ginagawa ng aking mga magulang makamit ko lamang ang aking mga mithiin. Karagdagan dito, nais ko ring makapagbigay ng sserbisyo sa aking mga kababayan gamit ang karunungan na aking nakamtan mula sa pag-aaral. Sa lahat ng ito, nanimiwala akong ang diploma ay hindi lamang sumisimbolo sa pagsusumikap mo bilang isang mag-aaral. Sumisimbolo rin ito sa mga hirap, tiyaga at sakripisyo ng mga taong nasa likod mo, ang mga taong nagpapaaral sa iyo. Mas malinaw ang bukas at tagumpay sa diploma.
No comments:
Post a Comment